Huwag Magpadala sa Agos ng Surveys: Pagnilayan ang Iyong Boto

π•πžπ«π’π­πšπ¬ π„ππ’π­π¨π«π²πšπ₯ (sa pakikipagtulungan sa ICSI)

Sa panahon ng halalan, kabi-kabila ang lumalabas na election surveys sa social media at iba pang mga plataporma. Ang mga ito ay nagpapakita ng rankings ng mga kandidato at sinasabing nagbibigay ng larawan kung sino ang malakas sa masa. Ngunit dapat nga bang sumakay na lamang tayo sa agos ng survey results?

Sa larangan ng pananaliksik, ang surveys ay isang siyentipikong pamamaraan upang alamin ang opinyon at damdamin ng mga tao gamit ang representative sample. Gayunpaman, may ilan ang nagsasabing maaaring gamitin ito sa β€œmind conditioning,” na maaaring makaapekto sa desisyon ng mga botante. Dagdag pa rito, pinapayuhan tayong maging mapanuri dahil may mga surveys din na may posibilidad ng bias, lalo na kung ito ay may pondong nagmumula sa mga interesadong partido.

Dahil dito, naglabas ang COMELEC ng resolusyon na nag-oobliga sa mga survey firms na magpa-rehistro. Ngunit tinutulan ito ng ilan sa kanila, partikular na sa usapin ng confidentiality ng mga respondents. Pinabulaanan din ng mga eksperto ang umano’y “bandwagon effect,” na nagsasabing ang mga botante ay bumoboto batay sa popularidad.

Sa huli, tayo pa rin ang may responsibilidad na piliin ang karapat-dapat na kandidato. Huwag hayaang surveys ang magdikta ng iyong boto. Gamitin ang iyong konsensya at paninindigan upang magdesisyon nang tama para sa kabutihang panlahat.

Basahin ang buong editorial at iba pang mahalagang balita sa π•πžπ«π’π­πšπ¬ π„ππ’π­π¨π«π’πšπ₯, sa pakikipagtulungan ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues.

Leave a comment